Privacy notice
2 November 2026
Ang KwentaCat ay personal expense tracker. Hindi ito bangko, e-wallet o lending app. Hindi namin hinahawakan ang pera mo at hindi kami hihingi ng MPIN, OTP o bank password.
Ano ang kinokolekta namin
- Ang account mo: email o mobile number, pangalan, wika at theme.
- Ang nililista mo: halaga, label, kategorya, wallet, petsa, iskedyul ng sahod, budget at ipon goals.
- Paano ginagamit ang app: mga page na binisita at mga hakbang gaya ng "sinubukan ang demo" o "nag-sign up", kasama ang anonymous visitor ID, ang ad o link na pinanggalingan mo, at uri ng device.
- Automatic listing (Android app, kapag available na): nananatili sa phone mo ang buong text ng notification. Halaga, store, wallet at oras lang ang ipinapadala sa amin.
Bakit namin ginagamit
- Para ipakita ang gastos mo, ilang araw bago sahod, safe-to-spend per day at progress ng ipon.
- Para ma-sign in ka at ligtas ang listahan mo sa iba't ibang device.
- Para ayusin ang mga error at malaman kung aling features ang nakakatulong, gamit ang bilang, hindi ang mga entry mo.
- Para sukatin ang ads namin: nalalaman ng Meta na may bumisita o nag-sign up. Hindi kailanman nito natatanggap ang halaga, store, kategorya, wallet o budget.
Sino ang nagpo-proseso
- Supabase (database at sign-in) at Vercel (hosting), parehong nasa Singapore. Resend ang nagpapadala ng sign-in emails. Meta para sa pagsukat ng ads. Telegram para sa error alerts ng team, walang personal details mo.
- Hindi namin ibinebenta ang data mo at hindi kailanman ibinibigay sa mga nagpapautang.
Ang mga karapatan mo
- Sa ilalim ng Data Privacy Act, pwede mong makita, itama, i-download at burahin ang data mo. I-download sa Settings → Export, at burahin ang account sa Settings → Delete account. Mabubura ang mga entry, goals at profile mo.
Contact
- Mga tanong o request: privacy@kwentacat.app